Biyernes, Oktubre 7, 2011

eternity_eternally: Tadhana / Kapalaran,"

eternity_eternally: Tadhana / Kapalaran,": Sabi mo" ang tadhana ay nakatakda , ang kapalaran ay bhinahanap." Totoo ang sinasabi mo,pag may nangyayari sa buhay ng isang tao,bukambibig...

Tadhana / Kapalaran,"

Sabi mo" ang tadhana ay nakatakda , ang kapalaran ay bhinahanap."
Totoo ang sinasabi mo,pag may nangyayari sa buhay ng isang tao,bukambibig na ang wikang - "itinakda iyang mangyari sa buhay mo, tadhana ang may gawa niyan."
Bakit kung minsan sinsabi," Ay, kapalaran mo yan.Ang kapalaran ay iginuhit na sa palad mo."


Medyo nalito ako sa mga winiwikang ito na kalimitan ay sa matatanda ko naririnig.


Bakit kung susuriin ay pareho ang kahulugan .


Hinalungkat kong pilit ang pagkakaiba nito: sa aking sariling buhay.
Pag sinabing nakatakda,mangyayari at mangyayari ang isang bagay,pangyayari na hindi natin maiiwasan. Anuman ang ating gawin wala na tayong magagawa....Hayan na siya: ang TADHANa


Binalikan ko kung paano tayo nagkakilala; sa totoo lang walang espesyal na pangyayari,dinagdag lang kita sa mga bago kong kaibigan.Bakit kita dinagdag? friend ka kasi ng friend ko na kilala ng madla...yun lang
Sa dami ng kaibigan kong ito,napuna ko na ang lapit-lapit ninyo sa isa't isa.
Biglang nagbago ang hihip ng hangin,parang mga bagang nagliliparan ang mga di-magagandang usapan ninyo ng friend ko.


Lihim kitang tinanong kung ano at bakit nagagalit kayo sa bawaat isa.Simple lang dahilan ko: sayang ang nabuong pagkakaibigan na humantong sa palitan ng maaanghang na kurukuro.


Unti-unti ay nagkapalagayan tayo ng loob kahit magkaiba ang circle of friends natin.
marami tayong bagay na pinagkakasunduan,kinahihiligan at pag-uugali. Awitin ang siyang nagsilbing tulay upang patuloy na tayo ay malapit sa isa't isa.


Ngayon heto tayong dalawa, magkaibigan,magkasintahan,magkaaway...
pero magkasundo in spite na taliwas minsan ang nais sa buhay


Ang TADHANA ang nagpasya na tayo ay magtagpo:
NAHANAP ko naman ang aking KAPALARAn na maging masaya ang aking buhay...